; on the SPOT ;

| |

i just want to make it go away.

this is my first time typing a blog in tagalog.
para maiba naman, hindi yung lagi na lang ganun.
laging nosebleed din ako. haha!


wala lang. parang tinatamad lang ako gawin lahat ngayon.
kanina nga tinatamad akong kumain, makipag-usap sa mga classmate ko.
pati nga maglakad kanina kinatatamaran ko pa eh.
ewan ko ba kung bakit sobrang iba talaga yung mood ko kanina.
as in define "bad mood".

hindi ko talaga maintindihan sarili ko nitong mga nakaraang araw.
siguro nga tinatamad na lang talaga ako.

kahit nga sa mga activities ko sa school, tinatamad akong gawin.

grabe. ang dami namin gagawin bago mag-finals.
pahihirapan muna talaga kami bago matapos ang sem na 'to.
well, ganun naman talaga 'di ba.
una muna ang paghihirap kesa sa ginhawa.


gusto ko na mag-sembreak.
makasama ko naman yung mga dati kong kaklase.
pero wala naman akong sinabi na ayaw ko kasama yung mga classmate ko ngayon.
masaya nga ko pag kasama ko sila eh.
pero gusto ko pa rin talaga na yung tropa ko ang makasama ko naman.

sa totoo lang, sila ang nakakapag-wala ng lungkot ko.
nakakalimutan ko talaga lahat ng problema ko pag sila kasama ko.
pero wala na ko magagawa, malayo na sila eh.
kanya-kanya na kami.

kanina nga, nakita ko sa sm si erick. isa sa mga classmate ko.
ang first love ko.
parang ayaw ko pa nga siya iwan nun, gusto ko pa makipagkwentuhan at makasama siya ng matagal kase miss na miss ko na talaga mga tropa ko.
masyadong emo pero yun ang totoo.
masyado nga kong emotional sa lahat ng bagay pero yun naman ang totoo.
kung hindi ko lang kasama si dada, malamang kakauwi ko pa lang ngayon sa sobrang dami ng kwentuhan na magagawa namin.


ganun ko kamahal mga kaibigan ko.
hinding hindi ko sila ipagpapalit sa kahit anumang bagay.
isa sila sa nagpapasaya sa buong buhay ko.


ngayon nga, puro sentimental songs pinapakinggan ko.
pahinga muna ako sa RnB.
wala din ako sa mood makinig ng mga ganun ngayon.
a totally emo.

napakadami kong iniisip ngayon.
yung mga bagay na pinaggagawa ko nung mga nakaraang araw.
haayy... sana may delete button ang utak, para isang pindot lang, mabubura mo na agad yung mga bagay na ayaw mo na talaga maalala.

that's one of my weakness.
na maalala yung mga bagay na nagkamali ako.
yung mga panahon na sobrang lungkot ko.
yung mga araw na umiyak ako dahil lang din sa maliit na bagay.
nakakapagpahina talaga sa'kin ang problema.
problema na. problema naman. problema na naman.

ayoko na. minsan talaga sinasabi ko na sa sarili ko na pagod na ko.
pero pag naiisip ko na lang yung mga taong patuloy pa rin nagmamahal sa'kin, nagkakaron pa rin ako ng lakas ng loob para magpatuloy.
nagpapasalamat ako sa kanila.
dahil sa walang sawang pagtitiwala na kaya ko ang lahat ng problema na dumarating sa'kin.

am i really supposed to be happy???

hindi ko na alam ang gagawin.
feeling ko napakasama kong tao para maging ganito ako.
pero ayoko din naman isipin na ganun.
syempre andyan pa rin si God para tulungan ka.

marunong at mahilig nga ko magbigay ng advice sa iba pero ang sarili ko, hindi ko na napapansin na kelangan din pala niya ng advice.

siguro nga ganun talaga buhay.
daming trials na pinagdadaanan.
basta andyan lang lagi si God, ang family ko at ang friends ko,
at makakaya ko na ang lahat.

GO LANI!


=(

(ORIGINALLY POSTED:
9/14/09)



No comments:

Post a Comment