......

| | Comments: (0)
what's wrong with me?
why is it happening to me?

'yan ang mga questions na lagi kong iniisip sa araw na 'to.
kulang pa nga 'yan eh.
meron pang nilalaman ang isip at ng damdamin ko sa ngayon.

bakit kaya doon pa nangyari?
bakit hindi ako nakasagot agad?
bakit kung kailan naman hindi ako handa saka nangyari 'yun?
eh bakit naman 'yun mga classmate ko nakasagot sila ng maayos?
bakit ako hindi?
bakit parang limitado lang nalalaman ko?
bakit hindi ako nakapag-isip ng maayos?
bakit ako napahiya?

at sa lahat ng tanong na ito,
iisa lang ang masasagot ko,
"kasi tanga ka Lani.
mahina ka mag-isip eh."

totoo naman. aminado ako.
bakit ganito nga ba ako?
bakit naging ganito ako?
bakit hindi ako tulad ng iba na alerto agad sa lahat ng bagay?

bakit?
bakit?
bakit?
bakit?
bakit?

Diyos ko, kahit ilang beses ko i-type ang salitang "bakit",
wala din naman mangyayari sa'kin.
wala din magbabago.

at bakit nga ba wala pa din akong pagbabago nagaganap sa'kin hanggang ngayon?

nahihiya na 'ko sa sarili ko.
ikinahihiya ko ang sarili ko.


parang weird ang introductions ko.
parang walang saysay eh.
bakit pa puro ako tanong sa simula pa lang?
hay buhay.

eto na nga. kwento ko na.

kaninang umaga. may klase kami ng 7:30 am.
hanggang 10:30 un.
dapat nga 8:30 pa time namin eh.
may conflict kasi kaya ganun.
ay naku, ayokong magpaliwanag pa at ayoko rin mag-type dito about my complains.

edi ayun na nga. may break time naman ang 3 hours namin na class.
syempre pagkatapos ng break time, balik agad sa class.
and then, pinagatuloy 'yun discussion.
eh that's the time na nagpasa na kami ng mga index cards for the professor's special purpose.
(alam mo 'yan mga index card na yan, nakakaba talaga when it comes to discussions or recitations)
(ayoko din ng mga professors na nagpapapasa pa ng mga index cards)
kasi 'yan ang one of the ways nila eh, para magtawag ng estudyante na alam naman nilang makakasagot agad. (swerte mo na lang kung alam mo at nakaka-relate ka sa topic)
eh malas 'ata ako ngayong araw na 'to at siguro mukang sinumpa din ako.
ako ang nabunot eh.
ako ang nabunot!
walang magagawa 'pag nabunot index card mo eh.
ikaw talaga sasagot ng question.
hindi pwede "pass" dun.
edi nun tinawag na pangalan ko.
medyo nagkakamali pa nga 'yun prof. sa pag-pronounce ng pangalan ko eh.
edi ayun, binaggit na nga pangalan ko.
ako naman talagang expected ko na din na ako 'yun.
dahil iba ang kulay ng index card ko eh.
color green.
'tas nanghingi pa 'yun isang classmate ko.
edi pareho kaming color green.
eh mas marunong sa'kin 'yun kung sumagot.
sana nga siya na lang nabunot.
eh wala. no choice.
ang discussion tungkol sa radio.
ahm. nakalimutan ko na 'yun ibang details eh.
basta ang nakalagay na statement dun,
"Radio is immediate".
syempre ako naman, gusto kong sumagot ng maayos.
edi sumagot ako, pero syempre, magaling ang prof. namin dun eh.
chair department pa nga kaya ganun ka-lupit.
naintindihan niya 'yun sagot ko pero hindi talaga iyon ang sagot ko sa tanong niya.
kase ang tanong, "What do you mean about that? Radio is immediate?"

alam mo, kung tutuusin, napakasimple lang ng tanong eh.
pero bakit ako naging bobo nun?
wala din naman kasi akong idea.
parang "Teka, ano nga ba ulit ibig sabihin ng immediate?"
edi isip agad ako. nag-iisip nga ko pero mukang napansin ko,
hindi naman talaga gumagana ang utak ko nun.
wala.
blangko.
na-mental block.

edi pinipilit pa rin ako ng prof. na sumagot ng correct answer.
pero wala eh, wala akong napiga sa utak ko.
on-the-spot talaga ang nangyari.
may nakasagot naman sa tanong eh.
ang dami nga nila.
pero bakit ako hindi ko nasagot?

pagkatapos nila sumagot, 'kala ko nakalimutan na 'ko ni prof.
aba. binalikan pa 'ko.
sabi niya "O iha, baka naman may idea ka na, alam ko meron eh, hindi mo lang siguro masabi."
pero nakatunganga pa din ako.
wala.
blangko.
na-mental block talaga.

basta ang dami pang nangyari nun time na 'yun.
parang nun nangyari ang scenario na 'yun,
ang bagal ng takbo ng oras.
napakalamig ng kamay ko.
at hindi ko alam kung anong iisipin ko.

pagkatapos nun, next topic naman,
dun naman sa bagong statement, gusto kong sumagot.
pero hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon.
wala talaga.
napakatanga ko ngayong araw na 'to.
malaking kahihiyan sa'kin.

ganun kasi akong tao.
naniniwala ako na "mas lalong natatandaan ng isang tao ang pagkakamali ng isang tao kesa sa magandang ginawa nito."

kaya lagi ko ngayon naiisip at tumatatak sa isip ko na
"may ginawa akong mali na siguradong hindi niya makakalimutan sa tuwing makikita niya ako."
dahil sa liit ba naman ng college building namin,
malamang maaalala niya ako.

'yun lang naman ang gusto kong i-type sa blog ko.
gusto ko lang naman kase maglabas ng hinanakit
at sama ng loob na hindi ko kayang sabihin sa iba.
inayakan ko talaga 'yun nun pagkauwi ko.
pag-uwi ko, diretso agad ako sa kwarto at umiyak ng umiyak.
sa school pa nga lang eh napapaiyak na ko,
pero ayoko din naman makita 'yun ng iba na napakahina kong tao.
at hanggang ngayon, kapag naiisip ko,
nalulungkot ako at naiiyak pa din.
sana paglipas ng mga araw,
mawala din 'to at sana talaga...
SANA TALAGA makabawi ako kay Ma'am.
ayokong habang buhay niyang iisipin na ganun akong tao.
na parang walang alam at hindi marunong mag-isip.
gagawin kong baguhin ang unang impresyon niya sa'kin.
ngayon lang talaga kase, gusto ko lang talagang umiyak,
dahil ang sakit para sa'kin na hindi ako nakasagot ng maayos.
gusto ko nga sana mag-apologize sa kanya sa Facebook.
pero nun na-visit ko na 'yun profile niya,
nagbago ang isip ko.
i mean, 'di ba, what's the big deal for her? para mag-sorry ako.
pero ewan ko din. hindi ko din naman malalaman
kung anong iisipin niya kung mag-sorry man ako. baka mapahiya lang na naman kase ako.
'yun agad ang nasa isip ko.
ang hindi talaga mawala sa isip ko ay 'yun agad.
kaya ngayon, gusto kong patunayan sa kanya na hindi talaga ako ganun.
lahat ng bagay may second chance,
at sana sa second chance ko na'yun,
sana naman maging maganda.
alam ko din naman na tinutulungan ako ni Lord upang ma-overcome ko ang lahat ng 'to.

parang nobela na 'to, pero sa tingin ko, ayos lang.
gusto ko lang i-type ng i-type lahat ng gusto kong sabihin.
wala din naman akong mapapagsabihan eh.

siguro nga ang ibang classmate ko, nakalimutan na 'yun nangyari kanina.
pero ako, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na 'to.
my most stupid day.
and my worst day this year.

sana talaga hindi na maulit.
pagbubutihin ko na.
pagaganahin ko na ang utak ko sa ibang bagay.
kailangan mas lalo pang maging broad kung mag-isip.
hindi 'yun sa iisang bagay na lang lagi umiikot ang mundo ko.
gusto ko ng pagbabago sa sarili ko.
challenging nga na umpisahan pero kakayanin ko.
para sa kapakanan ko din naman 'to.
para sa future ko.

sabi nga ni Aristotle na kaka-post ko lang kanina sa Facebook,
"It is possible to fail in many ways...while to succeed is possible only in one way."

sa sobrang badtrip ko nga, naghanap talaga ako ng quotations about Failure at pi-nost ko talaga sa Facebook as my status.

and weird ko 'no.
pero wala akong magagawa.
ganito ako eh.
at kahit ganito ako may naniniwala pa din sa'kin at may nagmamahal pa din sa'kin.

Lani! Fighting!

^Nakapag-blog tuloy ng wala sa oras.^